Monday, October 7, 2019

Yunit 2

YUNIT II: MGA GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN

ARALIN 1: Bilang Instrumento

Ito ay maituturing na instrumental dahil natutugunan nit ang pangangailangan ng tao tulad ng sumusunod.

1. Pagpapahayag ng damdamin kaugnay pasasalamat, pag-ibig, galit, kalungkutan, pagpapatawad, sigla, pag-asa, at marami pang iba;
2. Panghihikayat upang  ng kausap ang nais na tupdin o mangyari;
3. Diremtang pag-uutos; o
4. Pagtuturo at pagkatuto ng maraming kaalaman at karunungang kapaki-pakinabang.

Wika na daluyan ng saloobin at pagkatao

Ginagamit natin ang wika para magpahayag hindi lamang ng mensahe kundi ng aring saloobin. Magkadugtong ang damdamin at isip, na kung ano ang nais sabihin, iyon talaga ang damdamin, walang halong pagkukunwari. Si prospero covar ang nagsabing magkakaugnay ang loob, labas, at lalim ng ating pagkatao. Inihambing niya ang kaakuhang pilipino sa isang banga. Sabi niya:Ang katawan ng tao ay parang isang banga. Ang banga ay may labas, loob, at ilalim. Gayundin naman ang kaluluwa ng tao. Sisidlan na banga. Ang laman nito ay kaluluwa. Sa ilalim tumatahan ang kaluluwa, kaniig ng budhi (Covar, 1998: 10)

ARALIN 2: Regulatoryo

Ang regulatoryong bisa ng wika ay nagtatakda, nag-uutoz, nagbibigay-direksyon sa atin bilang kasapi o kaanib ng lahat o ng alinmang institusyong nabanggit.

Ang wika ay regulatoryo kung mayroon ito ng sumusunod ng mga elemento:

1. Batas o kautusan na nakasulat, nakikita, nakalimbag, o inuutos ng pasalita
2. Taong may kapangyariham o posisyon na nagpapatupad ng kautusan o batas
3. Taong nasasaklawan ng batas na sumusunod dito
4. Konteksto na nagbibigay-bisa sa batas o kautusan tulad ng lugar, institusyon, oanahon at taong sinasaklawan ng batas

Tatlo ang klasipikasyon ng wika ayon sa regulatoryong bisa nito

1. Berbal ang tawag sa lahat ng kautusan, batas, o tuntunin na binabanggit lamang namg pasalita ng pinuno o sinumang nasa kapangyarihan.

2. Nasusulat, nakalimbag, at biswal ang lahat ng kautusan, batas, o tuntunin na mababasa, mapapanood, o makikita na ipatutupad ng nasa kapangyarihan.

3. Di-nasusulat na tradisyon ang mahabang tradisyon ng pasalin-saling bukambibig na kautusan, batas, o tuntuning sinusunod ng lahat.

Gamit ng wika ayon sa regulatoryong bisa nito:

1. Pagpapatupad ng batas, kautusan, at tuntunin sa pamahalaan at ibang istitusyong panlipunan
2. Pagpataw ng parusa sa susuway sa mga batas, kautusan, at tuntunin
3. Partisipasyon mg mamamayan
4. Pagpapanatili ng kaayusan
5. Pagtatakda ng polisiya, batas, at kautusan

Ilang halimbawa ng regulasyon o batas

1. Saligang Batas o Konstitusyon
2. Batas ng Republika
3. Ordinansa
4. Polisiya
5. Patakaran at regulasyon

ARALIN 3: INTERAKSYONAL

INTERPERSONAL NA KOMUNIKASYON
 Ang pakikipag-usap sa isa o higit pang tao ay interpersonal na komunikasyon. Ang interpersonalna komunikasyon ay ang pagpapalitan ng impormasyon ng dalawa o higit pang mga tao. Bunga nito, umuunlad ang ating kakayahan at nadaragdagan ang ating kaalaman at kahusayan sa pakikipagkomunikasyon.

ANG INTERAKSIYON SA CYBERSPACE

Mga halimbawa ng interaksiyon sa Internet

Dalawahan
1. E-mail
2. Personal na mensahe o instant message
Grupo
1. Group chat
2. Forum
Maramihan
1. Sociosite
2. Online store


Aralin 4: Personal

Ang personal ay nagmula sa saliang personalidad. Nabubuo ang personalidad ng tao habang siya’y nagkakaisip at nagiging bahagi ng lipunan.

Apat na dimensyon ng personalidad ayon kina Katherine Briggs at Isabel Myers (1950) bata sa perosonality theory ni Carl Jung (1920)

1.Panlabas laban sa Panloob (Extraversion vs. Introversion)
Inilalarawan kung paano nagkakaroon ng enerhiya
2 Pandama laban sa Sapantaha (Sensing vs. Instuition)
Inilalarawan kung paano lumuluha ng impormasyon ang tao
3.Pag-iisip laban sa Damdamin (Thingking vs. Feeling)
Inilalarawan kung paano ginagamit ang pagdedesisyon
4.Paghuhusga laban sa Pag-unawa (Judging vs. Perceiving)
Inilalarawan ang bilis ng pagbuo ng desisyon ng tao

Malikhaing Sanaysay

Ayon kay Alejandro G  Abadilla “Ang sanaysay ay nakasulat nq karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay”. Ito ay nagkalaman ng sariling pananaw ng may-akda.

Halimbawa:

Biograpiya – talambuhay ng tao tungkol sa tunay na pangyayari
Awtograpiya – talambuhay ng tao na siya mismo ang nag-sulat
Alaala (Memoir) – kwento ng buhay na pinagdaanan
Sanaysay – paglalarawan ng mga lugar na napuntahan
Personal na sanaysay – pagsasalaysay sa personal na pangyayari sa buhay
Blog – webpage na dyornal na pwedeng makita ng iba

Bahagi ng sanaysay

Panimula – pinakamahalagang bahagi dahil ito ang naghihikayat sa mga babasa.
Katawan – inilatag ang mahahalagang ideya ng paksa.
Wakas – pagbibigay konklusyo sa paksa.
Paalala sa paggawa ng masining na sanaysay

Pumili ng paksang may dating sa babasa.
Gumawa ng balangkas.
Gumamut ng salitang akma sa paksa at babasa.
Tiyaking tama ang gramatika.
Gamitin ang sariling materyal.
Magbigay ng kakaibang pananaw at malikhaing bisyon.

Aralin 5: Imahinatibo

               Ayon kay Halliday (1973), qng imahinatibong wika ay ginagamit sa paglikha, pagtiuklas at pag-aliw.

Gamit ng Wika sa Imahinatibong Panitikan


  • Pantasya
  • Mito
  • Alamat
  • Kuwentong-bayan
  • Siyensiyang Piksiyon
  • Siyensiyang Piksiyon sa Wikang Pilipino


Ito ay ang panitikan ng tao na dumaranas na pagbabago, maaaring ito’y sa pamamagitan ng siyentipikong pagtuklas, pagbabago sa teknolohiya, o natural na pangyayari, maging ang pagbabago sa lipunan.

Aralin 6: Heuristiko at Representibo

              Heuristiko ang bisa sa tanong at sagot, pag-iimbestiga qt pag-eeksperimento ng tama at mali. Representibo kung nais ipaliwanag ang datos, impormasyon at kaalamang natutuhan.

Apat na yugto tungi sa Maugnaying Pag-iisip


  • Paggamit ng sintido-kumon

Pinaka karaniwang paraan ng pag-iisip at pangangatwiran

  • Lohikal na Pag-iisip


  1. Lohikal ayon sa Pangangatwiran

Umiikot sa ugnayan ng mga pahayag at ng konklusyon
  1. Lohikal ayon sa pagkakasunod-sunod

Pagtuloy ng pagkakasunod-sunod ng pangyayari at proseso

  1. Lohikal ayon sa Analisis
  • Hinuhang Pangkalahatan – Tesis na kailangang patunayan


  1. Hinuhang Pambatayan – batayan muna bago sa konklusyon

  • Kritikal na Pag-iisip

Masusing pagtuloy sa kaligiran ng suliranin
Pagsusuri, pag-uuri at pagpuna
Paglalatag ng alternatibo

  • Maugnaying pag-iiisip – pagbabalanse ng iba’t ibang pananaw

Halimbawa:

Repleksiyon
Kritika
Interpretasyon
Pananaliksik sa multidisiplinado
Pananaliksik sa interdisiplinaryo
Pananda para sa kohesyong gramatikal

Ginagamit upang hindi paulit-ulit ang mga salita at maging maayos ang daloy nito.
Anapora – ang panghalip na tumutkoy sa naunang nabanggit na pangngalan o paksa.
Katapora – ang panghalip ay unang ginamit sa pangungusap bago ang pangngalan o paksang tinutukoy.
Pangatnig – ginagamit para maging magkakaugnay ang mga ideya.
Panandang salita – pagbibigay-diin, naglilinaw, at pumupunlaw ng atensiyon ng tagapakinig.
Halibawa :

Pagkakasunod-sunod
Paghahambing
Pagkakaiba
Pagdidiin
Daloy ng panahon
Pagwawakas





By:Rhalf Archel Raboy


No comments:

Post a Comment