Monday, October 14, 2019

Magandang Umaga


Magandang umaga

Magandang umaga, heto na naman.
Ang mga gabi'y nagiging umaga,
Ang mga umaga'y nagiging gabi.

Magandang umaga, ako ito muli.
Mga mata'y nakapikit habang nakabukas ang bibig,
Nakakandado ang isip,
 Nanunuyot, kailan ba ang dilig?

Ako'y nakakulong sa isip ang magdilim,
Kaibigan kailan ka ba aalis?
Mga bulong na di maalis sa isipan na puno ng hinagpis sa mundo na kay sakit.

Magandang umaga, heto na ang huli.
Ang mga gabi ay nagiging umaga, ang umaga ay nagiging gabi.
Pinili ang bala at lubid kapalit ng mga tawa't ngiti.
Ako'y pagod na sa mga tahimik na sandali.
Magandang umaga sawa na akong ngumiti. 

No comments:

Post a Comment