Tuesday, October 1, 2019

Yunit 3

Yunit 3: Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas


=Aralin 1=:Wikang Filipino at Mass media


Mass media

  Pinakamaimpluwensiyal at masasabi ring pinakamakapangyarihang institusyon sa ating lipunan.Ito ay isang institusyong panlipunan tulad ng pamilya,pagaralan,simbahan,at pamahalaan ba ang natatanging tungkulin ay maging tagapagpabantay,taga masid,taga-ulat ng mga pangyayari sa lipunan, maging tinig ng mamamayan,at tagapaghatid ng mensahe sa kinauukulan.



Kauna-unahang gumamit ng Mass Media
Thomas Carlyle (1841)




Ang mass media ay isang malaki g industriya.Kasama sa sangay ng mass media ay ang pahayagan,radyo at television.Ang internet ang pumapangalawa sa pinakagamiting media sa 
Pilipinas.





Isa itong malaki ng negosyo. Kumikita ito sa pamamagitan ng pagpapalabas ng mga patalastas na ginagawa ng mga advertising agency. 





Radyo-Ang media ng masa

Ito ang pinakamalawak at may pinakamaraming naabot na mamamayan dahil sa higit 600 ang mga estasyon ng radyo sa mga Pilipinas.Pinakamura itong kasangkapan sa bahay kumpara sa telibisyon o ibang media gadget.Maari rin itong umandar gamit lamang ang baterya na tipikal na paraan sa mga baryo o lugar na hindi pa naabot ng elektrisidad.Noong 1960 namamayagpag ang radyo bilang numero unong Mass media ng mga pilipino. 







Panonood bilang Pagbasa,Pagkatuto, at Pagkonsumo



Naidagdag ang panonood bilang ikalimang kasaanayang Pangwika.Ito at proses ng pagbasa,pagkuha,at pag-unawa ng mensahe mula sa palabas. 



Mga Uri ng Palabas


Teatro/Tanghalan
Panonood ng pagtatanghal bilang pala as na umaarte ang mga tauhan;diyalogo/monologo. Samakatwid,ang pala as ay kwentong napapanood sa pagtatanghal sa Teatro. 

Pelikula
Pagtatanghal o pag-are ng mga tayhan ba nairekord gamit ang kamera.Hindi aktwal na napapanood ang pala as. 



Telebisyon
Ang television ay midyum samantalang ang mga programa sa telibisyon ang palabas. 

Iba't-ibang urinng palabas sa telebisyon:
  1. Teleserye, komidserye, telenovela, pelikula sa telebisyon atbp. 
  2. Balita tungkol sa mga pangyayari sa palagi, sa pamahalaan, sa mga artist a, serbisyo-publiko, mga dokumentaryo. 
  3. Variety show tuwing tanghali at linggo. 
  4. Reality TV show or reality gameshow



Youtube
Dahil sa makabagong teknolohiya sa internet, maari na ring manood ng nga palabas sa Youtube. 




=Aralin 2=:Wikang Filipino, Internet, at Social Media


INTERNET
   Ang internet ay mula sa dalawang pinagsamang salita na inter at networking na kilala rin bilang daluyan ng impormasyon at World Wide Web.Ito ang pinakamalaking aklatan ngayon at walang iisang teksbuk ang makakatapat dito. 








BLOG

Ay galing sa dalawang salita, web at log. Ito ay tumutukoy sa isang website na maituturing naman na isang blog dahil sa tema at mga nilalaman nito-maari ng mga salita o teksto, litrato, video, link or kung ano mang naisin ng blogger(tawag sa tao o grupong nangangalaga, nagpapatakbo, at nag simula ng isang blog)Ang blog o pag ba-blog ay tumutukoy sa aksiyon ng pag gawa o pag sulat ng isang post na siyang Ilalagay at magiging laman ng iyong blog. 



=MGA URI NG BLOG=




FASHION BLOG
Ito ay isa sa mga pinakasikat na uri ng blog. Ito ay nalalaman ng mga damit o kung ano man ang bago sa Mundo ng fashion o pananamit.




Personal Blog
Marami sa mga blogger ang gusto lamang ibahagi ang kanilang buhay. Maaring gusto lamang nilang Maruti ang mga Tao sa kanila o magbahagi lang ng mga bahay na tumatakbo sa kanilang isipan. 




News Blog
Nagbabahaginng balita sa mga mambabasa. 



Humor Blog
Naglalayon magpatawa o makapagaliw ng mga mambabasa. 



Photo Blog
Naglalaman ng mga litrato hanggang sa mga typographies. 



Food Blog
Ang layunin ng blog na ito ay magbahagi ng mga resipi at mga paraan para sa pagluluto ng masasarap o kakaibang mga pagkain. 



Vlog
Ito ay kilala din bilang video blog Naglalaman ito ng mga video mula sa blogger. Ang mga video ay maari ng kuha ng mga paglalakbat, eksperimento, o kung anumang personal na gawain. 



Educational Blog
Nakatutulong ang ganitong blog upang maliwanagan ang mga mag-aaral sa mga Aralin na hindi nila maiintindihan sa paaralan. 



=Ang Facebook bilang Social Media sa Pagkatuto=



Natutugunan ng FB ang pangangailangan ng isang mag-aaral. Sa pamamagitan nito ay naipaaabot  ng mga guro't estudyante ang kanilang mga pangangailangang pang-akademiko at kung ano ang antas ng kanilang pagkatuto o kakulangang dapat pagtuunan ng pansin 
kalimitang ginagamit ng mga mag-aaral ang FB sa pakikipag-ugnayan sa kapwa mag-aaral. Napapadali raw nito and pag-uusap ukol sa mga pangangailangan ng kanilang kurso, tulad ng mga instruksiyon o paalala na ibinigay ng guro hinggil sa isang partikular na takdang-aralin o proyekto.tungkol sa Facebook, nagkakaroon ng magandang ugnayan o palagayan ng loob ang mag-aaral at guro. Ayon sa kaniya, mas nararamdaman ng mga mag-aaral at guro na kabilang sila sa isang akademikong komunidad. Dahil rin daw dito, mas malaya nilang (mga guro't estudyante) naipapahayag ang kanilang damdamin at kaisipan hinggil sa paksang pinag-uusapan o isyunng pinatutuunan ng pansin ng kanilang paaralan.


=Aralin 3=:Wikang Filipino at pag-aaral ng Kultura



KULTURA
Tumutukoy sa paraan ng pamumuhay nakagawian o nakasanayan ng mga tao sa isang lugar. Binubuo ito ng karunungan, panitikan, paniniwala, kaugalian, sining, batas, pagpapahalaga atpb. 





















Mga disiplinang tumutulong upang higit na makikilatis at maiintindihan nang lubusan ang kabuuan at kalaliman ng pagkatao ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pag-aaral ng Pilipinohiya, Sikolohiya, at Pilosopiyang Pilipino.



Pilipinohiya (Philippine Studies)
ang disiplinang tumatalakay sa mga paksain hinggil sa Pilipinas at mga Pilipino.

Sikolohiya
ang disiplina patungkol sa pag-aaral ng pag-uugali, pag-iisip, at gawi opagkilos ng isang tao.

Pilosopiya
ang disiplina patungkol sa lalim ng pag-iisip, pangangatwiran, pagtatanong, atpagkilatis sa mga bagay na nasa paligid upang mas mapalawak ang kaalaman. 

Araling Pilipino
pag-aaral sa kultura, wika, panitikan at lipunan ng mga Pilipino gamit ang mga kaparaanang interdisiplinarya sa kasaysayan, antropolohiya, arkitektura, araling sining, lingguwistika, araling islam, ekonomiya, pilosopiya, musika, panitikan, sosyolohiya at iba pa.


=Aralin 4=:Wikang Filipino sa iba't ibang rehistro nito 


Narito ang mga gabay sa rehistro ng wika sa iba’t ibang sitwasyon at larangan:

Pinalawak ng ISO o International Organizarion for Standardization ang iba’t ibang uri ng rehistro ng wika at tinatawag itong ISO Standard 12620 (Language Registers, 2015). Gagamitin ang Ingles na termino nito para sa estandardisasyon ng katawagan nito. Narito ang iba’t ibang rehistro ng wika (Language Registers, 2015):

NEUTRAL – Batid halos ng lahat at ginagamit maraming sitwasyon, larangan, at  pagkakataon.

     halimbawa: Agham, nilalang, buhay, isip, kompyuter, makina, sistema, mapa

TECHNICAL – Nakabatay ang kahulugan sa espisipikong larangan at propesyon.

     halimbawa: USB, dextrose, turbo engine, power drill, artificial intelligence

IN-HOUSE – Natatangi sa isang kompanya o lugar – dito nagmula ang termino lamang ginagamit

     halimbawa: Lapad – tawag sa perang papel ng Japan  ng mga Pilipinong naghahanap-buhay roon.

BENCH-LEVEL – Tawag ng mga gumagamit sa isang terminong tumutukoy sa gadget o application sa kompyuter at iba pa.

     halimbawa: Sosi phone – tawag sa phone na mamahalin

SLANG – Impormal na termino  na ginagamit sa impormal na sitwasyon at balbal din ang tawag dito.

     halimbawa: Datung – pero

VULGAR – Terminong hindi ginagamit sa publiko o sa pormal na usapan dahil sa implikasyon sa moralidad, kagandahang-asal at kultura dahil maaaring nakakasakit ng damdamin o mapanlait.

     halimbawa: Mga salitang ginagamit sa pagmumura.







By : Dorothy Biatriz Capao







No comments:

Post a Comment