Yunit 1 Mga Konseptong Pangwika
=Aralin 1= Wika,Komunikasyon,at Wikang Pambansa
Wika
Isang sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog o kaya ay mga pa sulat na letra na inuugnay natin sa mga kahulugang nais mating ipabatid sa ibang Tao.
Daluyan ng Pagpapakahulugan
1.Ang lahat ng wika ng tao ay nag simula sa tuno. Mga tunog ito na mula sa paligid, kalikasan at mula mismo sa tunog na likha ng pagbigkas ng tao.
2. Ang simbolo ay binubuo ng mga biswal na karawan, guhit, o hugis na kumakatawan sa isa o maraming kahulugan.
3. Kodipikadong pagsulat ang sistema ng pagsulat tulad ng paggamiy ng cuneiform o tableta ng mga Sumerian,papyrus ng mga Egyptian, at ang pagtiwala ng mga bieroglypb sa sinaunang Ehipto at ng alpabetong Phoenician,Griyego at Romano.
4. Ang galaw ay tumutukoy sa ekspresyon ng mukha, kumpas ng kamay, at galaw ng katawan o bahagi ng katawan na nagpapahiwatig ng kahulugan o mensahe.
5. Ang kilos ay timutukoy sa kung ano ang ipahiwatig ng isang ganap na kilos ng tao tulad ng pag-awit, pagtulong sa tumatawid sa daan, at iba pa.
Gamit ng wika
1. Gamit sa talastasan
Pasalit man o pasulat
2. Lumilinang ng pagkatuto
Ang mga naisulat nang akda ay patuloy na pinag-aaralan ng bawat henerasyon.
3. Saksi sa panlipunang pagkilos
Sa panahon ng Rebolusyon, mga wika ng mga rebolusyonaryo ang nagpalaya sa mga Pilipino.
4. Lalagyan o imbakan
Ang wika ay hulugan,taguan,imbakan, o deposito.
5. Tagapagsiwalat ng damdamin
Ginagamit ang wika sa pagpapahayag ng nararamdaman.
6. Gamit sa imahinatibong pagsulat
Ginagamit ang wika sa paglikha ng mga tula,kuwento.
Kategorya at Kaantasan ng Wika
1. Maituturing na pormal ang isang wika kung ito ang kinikilala at ginagamit ng higit
2. Di-pormal na wika amg madalas gamitin sa pang-araw-araw na pakokipagtalastasan.
KOMUNIKASYON
Antas ng Komunikasyon
1.
Intrapersonal na antas ng komunikasyon ay nakatuon sa sarili o paraan.
2.
Interpersonal na antas ng komunikasyon ay nagaganap sa pagoyan ng dalawa o higit pang kalahok.
3.
Organisasyonal na antas ng komunikasyon ay nagaganap sa loob ng isang organisasyon tulad ng paaralan,kompanya,simbahan at pamahalaan.
=Aralin 2 =Unang Wika, Bilingguwalismo, at Multilingguwalismo sa Kontekstong Pilipino
Wikang Ingles na wikang dinala ng mga Amerikano (1901), Mongguwalismong Ingles. Unang Yugto ng Wikang Tagalog (Tagalog1) pinangalang wikang pambansa (1935), Unang Bilingguwalismo . Ikalawang Yugto ng Wikang Tagalog (Tagalog2) ginawang isang pang-akademikng asignatura (1940), Ikalawang Bilingguwalismo. Ang Unang Yugto ng Wikang Pilipino (Pilipino1) pinalitan ang wikang "Tagalog" sa "Pilipino" (1959), Unang Multilingguwalismo. Ang ikalawang Yugto ng Wikang Pilipino(Pilipino2) bilang wikang opisyal at wikang pang-akademiko ngunit tinanggalan ng katayuan bilang wikang pambansa (1973), Ikatlong Bilingguwalismo. Ang Unang Yugto ng Wikang Filipino (Filipino1) artipisyal na wika, balak buuin ng konstitusyon at papalit sa wikang "Pilipino" (1973), Ikalawang Multilingguwalismo. Ang Ikatlong Yugto ng Wikang Filipino (Filipino2) muling kinilala bilang wikang pambansa, "Filipino" (1987), Ikatlong Multilingguwalismo.
Lingguwistikong Komunidad "homogenous" maliit ang saklaw, ang dahilan uoang makapag -ugnayan ang bawat isa. Mga salik: " May kaisahan sa paggamit ng wika at naibabahagi ito sa iba", " Nakapagbabahagi at malay ang kasapi sa tuntunin ng wika at interpretasyon nito" at " May kaisahan sa pagpapahalaga at palagau hinggil sa gamit ng wika". Halimbawa: Sektor, Grupong pormal, Grupong impormal at Yunit. Multikultural na komunidad "heterogenous" malaki ang saklaw, pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba. Halimbawa nito ay Internasyonal, Rehiyonal,Pambansa at Organisasyonal. Mga uri ng wika: Sosyolek hal: "jejemon", Idyolek espesipikong paraan ng pagsasalita hal: Kris Aquino, Diyalekto nagbabago-bago depende sa pook sa lugar at Rehistro wika sa piling larangan hal: "Order" "P. T".
Wikang Ingles
dinala ng mga Amerikano at ipinalaganap sa pampubliko at sa pampribadong edukasyon simula noong 1901.
Unang Yugto ng Wikang Tagalog (1935)
unang pinangalanan ang wikang pambansa .
Ikalawang Yugto ng Wikang Tagalog (1940)
Ang Tagalog ay unang ginawa bilang isang pang-akademikong asignatura.
Unang yugto ng Wikang Pilipino (1959)
ang "Tagalog" ay pinalitan ng pangalang "Pilipino"
Ikalawang Yugto ng Wikang Pilipino
pinanatili itong wikang opisyal at wikang pang-akademiko ngunit tinanggalan ng katayuan bilang wikang pambansa noong 1973z
Ang Unang Wikang Filipino
ang artipisyal na wika na balak buuin ng Konstitusyon noong 1973 at ipapalit sa wikang Pilipino bilang wikang pambansa.
Ang Ikalawang Wikang Filipino
ang wikang PILIPINO ay muling kinilala bilang wikang opisyal, pang-akademiko at pambansa at pinangalanang FILIPINO ng Konstitusyon ng 1987
Monolingguwalismong Ingles (Monolingguwalismo)
ang sistemang ginamit dahil gusto ng mga Amerikanong ipalaganap ang pampublikong edukasyon at hubugin ang kaisipan ng mga Pilipino sa wika at kultura ng Estados Unidos. (1901)
Unang Bilingguwalismo
1939
Maaaring gamitin ang mga unang wika bilang auxiliary na wikang panturo, lalo na para sa mga mag-aaral sa unang baitang, kaya ang kauna-unahan nating programang bilingguwalismo ay binubuo ng wikang Ingles at isa sa ating mga unang wika.
Ikalawang Bilingguwalismo
1970
nag-uutos na tanging wikang Pilipino na lamang amg gagamiting midyum sa pagtuturo sa lahat ng antas pang-akademiko.
Sa programang ito naganap sa kauna-unahang pagkakataon ang paggamit ng wikang Pilipino bilang wikang panturo sa buong kapuluan.
Unang Multilingguwalismo
Umiral laman nang tatlong taon. Ipinatupad ito noong 1973 at nag-utos na gamitin ang unang wika bilang midyum ng pagtuturo hanggang sa ikalawang baitang na susundan naman sa paggamit ng mga wikang Pilipino at Ingles.
Ikatlong Bilingguwalismo
pumalit sa unang multilingguwalismo ba umiral lamang ng isang taon. Ipinatupad ito noong 1974. Nag-utos na gamitin ang mga wikang Ingles at Filipino at nagsantabi naman sa mga unang wika.
Ikalawang Multilingguwalismo
Ipinatupad noong panunungkulan ni Pangulong Corazon Aquino. Pinagtibay ang paggamit ng wikang Filipino at wikang Ingles at kinilala muli ang halaga ng mga unang wika bilang auxiliary na wika sa pagtuturo.
Ikatlong Multilingguwalismo
Ang kasalukuyang pambansang patakarang pangwika na ipinatupad noong 2009.
=Aralin 3= Lingguwistikong Komunidad at Uri ng Wika
Ang lingguwistikong komunidad ay may kaisahan sa tunguhin ang bawat kasapi.
Mga salik ng lingguwistikong komunidad
may kaisahan sa paggamit ng wika at naibabahagi ito sa iba.
nakapagbabahagi at malay ang kasapi sa tuntunin ng wika at interpretasyon
may kaisahan sa pagpapahalaga at palagay hinggil sa gamit ng wika.
Multikultural na komunidad
Ang tunguhin ng multikulturalna komunidad ay "pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba."
SOSYOLEK, IDYOLEK, DIYALEKTO, AT REHISTRO
Ang
sosyolek ay uri ng wika na nililikha at ginagamit ng isang pangkat o uri ng panlipunan tulad ng jejemon.
Ang
idyolek naman ay ang natatangi't espesipikong paraan ng pagsasalota ng isang tao.
Ang
diyalekto ay uri ng pangubahibg wika na nagbabago, nagbabago o nagiging natatangi dahil ginagamit ito ng mga tao nasa ibang rehiyon o lokasyon.
Ang
rehistro ay angkop na pananalita at espesyalisadong terminong dapat gamitin na partikular sa larangan.
=Aralin 4=
Kasaysayan ng Wikang Pambansa at ang Filipino bilang Wikang Global
Panahon ng mga Sinaunang Pilipino
Ang mgakatutubong Pilipino ay may sarili ng alpabeto at sistema ng pagbabaybay na mas kilala sa tawag na “alibata”.
Panahon ng mga Kastila
Ipinakilala ng mga Kastila ang kanilang sariling bersyon ng alibata, ang abecedario o ang alpabetong Espanyol.
Panahon ng Propaganda at Himagsikan
Maraming nasulat na panitikan sa wikaing Tagalog – tula,sanaysay,kwento, attp mga akdang hitik sa damdaming makabayan
Panahon ng Amerikano
Ginamit ang Wikang Ingles bilang pangunahing instrumento sa pagtuturo kaya ang hispanisasyon ng mga kastila ay napalitan ng Amerikanisasyon.
Pebrero 8, 1935
Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Konstitusyong 1935, ang magiging bagong wika ay ibabase sa mga kasalukuyang katutubong wikang meron sa ating bansa.
Nobyembre 1936
Batas komonwelt Bilang 184 – Surian ng Wikang Pambansa na naatasang pumili ng isang katutubong wika na magiging batayan ng wikang pambansa.
Nobyembre 13, 1937
Ang unang Pambansang Asemblea ang siyang bumuo sa institusyon ng wikang pambansa .
Disyembre 30, 1937
Sa pamamagitan ng kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ng Pangulong Quezon , ang wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog.
Abril 1, 1940
Ipinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap na nagtadhana ng paglilimbag ng isang balarila at isang diksyunaryo sa Wikang Pambansa
Hulyo 7, 1940
Batas Komonwelt Blg. 570 – simula sa hulyo 4, 1946 , Ang Wikang Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa.
Marso 26, 1954
Inutos ni Pangulong Magsaysay ang taunang pagdiriwang ng linggong wikang Pambansa.
Agosto 12, 1959
Tinawag na Pilipino ang Wikang Pambansa ng lagdaan ni Kalihim Jose Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Blg.7.
Oktubre 24, 1967
Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Kautusang na ang lahat ng mga gusali at mga tanggapan ng pamahalaan ay panganlan sa Pilipino.
Marso 1968
Kalihim Tagapagpaganap, Rafael Salas – ang lahat ng pamuhatan ng liham ng mga kagawaran at mga sangay nito ay maisulat sa Pilipino.
Agosto 7, 1973
Resolusyonng nagsasaad na gagamiting midyum ng pagtuturo sa lahat ng paaralan ang Pilipino.
Hunyo 19, 1974
Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 para sa pagpapatupad ng edukasyong bilingwal.
Hunyo 30, 1976
Department Memo no.194- Ang naturang revised Filipino Alphabet ay binubuo ng 31 na letra.
1987 Constitution
Ang Wikang Pambansa ay Filipino.
1987
Ang Alpabetong Filipino ng 1987 at binubuo ng 28 na titik.
Agosto 25, 1988
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 ay ipinalabas ni Pangulong Corazon Aquino na nagtatadhana ng paglikha ng Komisyong Pangwika.
By: Eric Miles Tabar